Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na walang exemption sa mga Employers sa pagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado mula sa Micro at Small Enterprises (MSEs).
Ito ay kasunod ng hiling ng employers na kung maaaring i-subsidize ng pamahalaan ang 13th month pay para sa mga manggagawa mula sa MSEs.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, kahit pa sabihing nalulugi ang isang negosyo sa gitna ng COVID-19 pandemic ay hindi ito nangangahulugang exempted na sila sa pagbibigay ng 13th month.
Marami rin kasing paraan para mapunan ito tulad ng panghihiram sa mga bangko at babayaran na lang sa oras na maging maayos na ang sitwasyon.
Ang 13th month pay sa ilalim ng Presidential Decree 851 ay minamandatong maibigay ng kanilang mga empleyado na dapat hindi lalagpas sa December 24 kada taon.