RFID Installation, mas pinabilis pa

188

Inilunsad ng Autosweep Management at Easytrip Services Corporation ang online application para sa installation ng Radio Frequency Identification (RFID) tags.

Bunsod nito, kinakailangan munang dumaan sa online appointment o registration ang mga kukuha ng Autosweep RFID para sa mga motoristang dumadaan ng Skyway, SLEX, NAIAX, STAR Tollway, MCX, at TPLEX.


Gayundin ang Easytrip RFID para naman sa NLEX, SCTEX, CAVITEX, AT CALAX.

Sa interview ng RMN Manila kay Atty. Romulo Quimbo, Chief Communication Officer ng Metro Pacific Tollways Corporation, layon nitong maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 dahil sa mahabang pila at mas lalo pang mapabilis ang pagkakabit ng libreng RFID sa mga installation station.

Para sa appointment, maaaring bumisita sa https://www.easytrip.ph/selection.html at https://autosweeprfidapps.com/application/OnlineReservation.

Facebook Comments