Ganap nang batas ang pagbibigay ng 20% discount sa mga estudyante sa mga pampublikong sasakyan.
Sakop ng batas ang lahat ng pampublikong transportasyon tulad ng bus, jeep, taxi, tricycle, tren, barko at eroplano.
Pero hindi ito magagamit sa school shuttle service at tourist service.
Magagamit ng mga estudyante ang diskwento sa panahong naka-enroll sila kasama ang weekends at holidays.
Kailangan lamang nilang ipakita ang kanilang ID o kaya enrollment form pero hindi sakop ng batas ang mga estudyante sa post-graduate studies.
Facebook Comments