Manila, Philippines – Hindi pipigilan ng Philippine NationalPolice ang pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pardon sa mga pulis nasangkot sa pagkakapatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.
Pero sa kanila ngpahayag na ito ng pangulo, binigyan diin ngayon ni PNP Chief. Dir. Gen. Ronald DelaRosa na paninindigan nito ang desisyon ng PNP-internal affairs service laban sagrupo ni CIDG region 8 Supt. Marvin Marcos at labing walong kasamahan.
Ayon kay Dela Rosa –gawain nila na kasuhan ang mga lumalabag sa batas habang papel naman ng panguloang magbigay ng pardon.
Noong Biyernes sapagdalo sa isang pagtitipon, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siyamag-dadalawang isip na bigyan ng absolute pardon at i-promore pa ang grupo ni Marcoslalo nat sumusunod lang ang mga ito sa kanyang utos.
Agad naman ipinagtanggolng Malacañang ang naging pahayag ng pangulo kung saan sinabi ni PresidentialSpokesperson Ernesto Abella na pahayag ito ng isang superior para sa kanyangmga tauhan.