Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang pagbibigay ng ayuda sa mga residente ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kapalit ng pagbabakuna laban sa COVID-19.
Ayon sa Department of Health (DOH), malaking hamon sa vaccination rollout sa rehiyon ang vaccine hesitancy, limited manpower, fake news, late na pagsusumite ng arawang vaccination at malamig na suporta ng local chief executives at Barangay Local Government Units (BLGU).
Dahil dito, iminumungkahi nila ang Suyod activities o pagbabahay-bahay, information caravan, pakikipag-usap sa mga residente at radio plugging
Gayundin ang pagsasagawa ng random police checkpoints para matukoy ang mga may pekeng vaccine card.
Tiniyak naman ng DOH na ang mga COVID-19 vaccines ay ligtas at mayroong Halal certified mula sa Philippine Halal Certification Board.