Pagbibigay ng ayuda sa mga beneficiaries, pinabibilisan na ng Makabayan sa Kamara

Pinamamadali na ni Asst. Minority Leader at ACT-Teachers Rep. France Castro ang pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap kasunod na rin ng pagpapalawig sa Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay Castro, ang community quarantine ay pagkakataon ng pamahalaan para makapaglatag ng konkretong polisiya, makapagtayo ng imprastraktura ng isolation, treatment facilities at medical systems upang matulungan ang mga health workers at ang publiko na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Pero sa halip na agad na response ang mangyari ay marami pa ring mga komunidad ang hindi nakakatanggap ng food packs at financial assistance gayundin ay kakaunti ang mga naitatayong testing, isolation at treatment centers.


Nababahala ang Kongresista na ang extension sa ECQ ay mangangahulugan nang mas matagal na paghihirap, gutom at kawalan ng katiyakan sa matatanggap na tulong.

Kinalampag ni Castro ang pamahalaan na bilisan na ang pagbibigay ng relief at iba pang ayuda matapos ang extension ng ECQ at para maiwasan na sa gutom pa masawi ang mga mahihirap na mamamayan.

 

Facebook Comments