Pagbibigay ng benepisyo sa healthcare workers, dapat bilisan – Malacañang

Inatasan ng Malacañang ang Department of Health (DOH) na madaliin ang paglalabas ng benepisyo sa mga healthcare workers.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, posibleng masuspinde ang mga health officials kapag naantala ang pabibigay ng workers benefits.

Nakipag-ugnayan na si Roque sa finance division ng DOH para beripikahin ang mga ulat hinggil sa delay na paglalabas ng benepisyo sa mga health workers.


Noong Oktubre, ipinag-utos ng Ombudsman ang anim na buwang preventive suspensyon sa limang DOH officials dahil sa kabiguang paglalabas ng benepisyo sa mga manggagawa ngayong pandemya.

Nangako ang DOH na maghahanap ng solusyon para mapabuti ang kanilang serbisyo lalo na sa paglalabas ng COVID-19 hazard pay at iba pang benepisyo sa health workers.

Facebook Comments