Maaaring masimulan na sa Marso ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa mga edad 12 hanggang 17.
Ayon kay National Task Force (NTF) Adviser Dr. Ted Herbosa, nagsimula ang pagbabakuna sa menor de edad noon pang Nobyembre ng nakaraang taon.
Aniya, ibinibigay ang booster dose tatlong buwan matapos matanggap ang second dose ng COVID-19 vaccine.
“Ang ating mga teenagers, 12 to 17, nag-umpisa kasi tayo niyan noong November. So, ang second dose nila, malamang naibigay nung December. So, ang ating booster dose, three months after the second dose. So, the earliest, ‘yung mga nauna, siguro early December, so baka early March natin maumpisahan ‘yung tinatawag na booster doses for the teenagers na 12 to 17 na inumpisahan natin nung November,” ani Herbosa
Gayunman, tanging Pfizer at Moderna lang ang bakunang pwedeng ibigay sa nasabing age group.