Sub-variants ng Omicron, naitala sa ilang lugar sa bansa

101

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang na-detect sa bansa na sub-variants ng Omicron variant ng COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, partikular na naitala ang BA.1 sub-variant sa 8 rehiyon sa bansa.

Aniya, predominant ang BA.1 sub-variant sa Bicol Region at sa Returning Overseas Filipinos.


Habang ang isa pang sub-variant ng Omicron na BA.2 o Stealth Omicron ay predominant din sa mas maraming rehiyon.

Nilinaw rin ni Vergeire na walang pagkakaiba sa clinical presentation ng dalawang sub-variants ng Omicron.

Muli namang pinaalalahanan ng DOH ang publiko na agad na mag-isolate kapag nakaramdam na ng sintomas ng COVID-19.



Facebook Comments