Pagbibigay ng booster shot sa mga medical health worker, muling ipinasisilip ng eksperto

Nais ng ilang vaccine expert na silipin muli ng pamahalaan ang panukalang pagbibigay ng booster shot sa mga medical health worker.

Ayon kay Infectious Disease Expert at Vaccine Expert Panel member Dr. Rontgene Solante, may ilang ospital sa bansa ang nakakapagtala ng mataas na bilang ng mga health worker na nagkakasakit matapos tamaan ng COVID-19.

Aniya, hanggang anim na buwan lamang kasi ang proteksyong maaariing ibigay ng ilang bakuna partikular ang Sinovac vaccine na natanggap ng karamihan sa mga health worker.


Diin pa ni Solante, malaki ang epekto sa pagbibigay ng serbisyong medikal sa oras na tamaan ang mga ito ng COVID-19 dahil kailangan nilang sumailalim sa 14-day isolation.

Matatandaang hindi pa rin pinapayagan ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot.

Facebook Comments