LINGAYEN, PANGASINAN – Nasa 20% pa lamang ng eligible population ng Pangasinan ang fully vaccinated kontra COVID-19.
Dahil dito, hindi pa inirerekomenda ng Provincial Health Office ng lalawigan ang pagbibigay ng booster shots sa mga fully vaccinated.
Sinabi Provincial Health Officer Dra. Anna De Guzman, kailangan munang mabakunahan ang 50% eligible population ng Pangasinan bago isagawa ang pagbibigay ng booster shots.
Inaasahan naman nito na sa pagtatapos ng Oktubre ay maabot na ang 50% upang maisakatuparan ang pagbibigay ng booster shots.
Matatandaan na ang Department of Health ay nagsasagawa na ng preparasyon sa pagbibigay ng booster shots sa mga health workers, senior citizens at mga person with comorbidities.
Kinumpirma naman nito na mayroong 30-40% ng vaccine allocation para sa Pangasinan.