Pagbibigay ng booster shots sa mga health worker, sisimulan bago matapos ang 2021; pagbabakuna sa mga kabataan sa Oktubre, wala pang go signal ni Pangulong Duterte

Posibleng simulan na ang pagbibigay ng booster shots sa mga healthcare worker bago matapos ang 2021 o sa Enero 2022.

Sa harap ito ng sunod-sunod na pagdating ng COVID-19 vaccines sa bansa.

Bukod sa mga healthcare worker, binigyang-diin din ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ang kahalagahang mabakunahan ang mga batang edad 12 hanggang 17.


Aniya, mapapawi ang takot ng mga magulang sa pagbabalik-eskwela ng mga estudyante oras na sila ay mabakunahan na rin.

Samantala, nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na rekomendasyon pa lamang ang plano ni Galvez na pagbabakuna sa mga kabataan sa kalagitnaan ng Oktubre.

Aniya, tatalakayin pa ito ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Facebook Comments