BBM, inendorso ng ‘Kilusang Bagong Lipunan’ bilang 2022 presidential bet

83

Inendorso ng ‘Kilusang Bagong Lipunan’ (KBL) si dating Senador Bongbong Marcos bilang pambato ng partido sa may 2022 presidential elections.

Ang KBL ay ang partidong itinatag ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.


Nagpasalamat naman si Marcos sa naging nominasyon sa kaniya ng partido.

Sa hiwalay na event, sinabi ni Marcos na malapit na malapit na niyang ianunsyo ang magiging plano niya sa eleksyon pero hindi niya binanggit kung ano ang tatakbuhan niyang posisyon.

Facebook Comments