Manila, Philippines -Mahigpit na binabantayan ng Department of Education (DepEd) ang mga politiko na ginagamit ang mga paaralan para mangampanya.
Inihalimbawa ni Education Secretary Leonor Briones ang graduation rites kung saan may pagkakataon na dinadaluhan ng kandidato.
Ayon kay Briones, bawal na bawal ang pagdo-donate ng mga award at certificates dahil hindi maitatanggi na isa itong diskarte ng pangangampanya.
Maging ang pamimigay ng souvenir ay huwag na rin sana.
Paliwanag ni Briones, bukod sa bawal nakakaagaw lamang ito ng atensyon ng mga estudyante at magulang sa araw ng graduation.
Kung siya ang tatanungin ibang tao na lang na may kaugnayan sa tema ng graduation ang paakyatin sa entablado para sa pagbibigay ng inspirational message.
Paalala pa nito na may media, social media at kalabang kandidato ang nakabantay at nagsisilbing taga sumbong laban sa pasaway na pulitiko.