Pagbibigay ng Certificate of Appreciation ng DPWH Region II sa Ilang Staff, Pinuna!

*Cauayan City, Isabela- *Binatikos ni Engr. Bong Ubiña ng 2nd District ng DPWH ang pagbibigay ng DPWH Region II sa ilang staff ng Certificate of Appreciation.

Ayon kay Engr. Bong Ubiña, hindi anya karapat-dapat na mabigyan ng apresasyon ang mga tao na walang naitulong sa pagsasa-ayos sa nasirang Siffu Bridge sa Roxas, Isabela.

Ito ay matapos abutan ng plaque ang ilang staff ng mga nasa opisina ng DPWH Region II para sa kanilang apresasyon sa ginawang Regional meeting kahapon sa Tuguegarao City.


Bagamat nabigyan ng apresasyon ang mga contractors ay mas mainam na lamang anya na huwag na lamang bigyan ang mga staff kung hindi rin lang mabibigyan ng apresasyon ang mga ahensya at opisyal na tumulong simula pa noong panahon ng kalamidad.

Samantala, Pinasalamatan pa rin Ubiña ang lahat ng mga tumulong para matapos sa lalong madaling panahon ang rehabilitasyon sa nasirang Siffu Bridge dulot ni bagyong Rosita.

Facebook Comments