Imungkahi ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa pamahalaan na paghandaan na ang pagbili ng COVID-19 booster shots.
Sa pagtalakay ng Senado sa panukalang 2022 budget para sa Department of Health (DOH), ipinaliwanag ni Go na baka kailanganin ang booster shots dahil sa mga naglalabasang bagong variants ng COVID-19.
Sumang-ayon naman si Health Secretary Francisco Duque III sa pagbibigay ng COVID-19 booster doses lalo na sa mga healthcare personnel pero kaniyang iginiit na bago ito ay kailangan muna na mabakunahan muna ang karamihan sa mga Pilipino.
Sinuporahan naman ni Go ang posisyon ni Duque na kailangang iprayoridad sa ngayon ang siguruhin munang bakunado ang mga Pilipino ayon sa ating vaccine guidelines.
Kaugnay nito ay iginiit ni Go na dapat ding matiyak na may sapat na pondo para sa mga vaccinator dahil tuloy-tuloy ang pagbabakuna natin hanggang sa susunod na taon.