Pagbibigay ng COVID-19 booster shots, posibleng masimulan na sa susunod na buwan

Inaasahang masimulan na sa Nobyembre o sa Disyembre ang pagbibigay ng booster shots sa mga health workers at priority groups.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay kung mailalabas na ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) para sa pagsasagawa nito.

Anya, dapat amyendahan ng FDA ang EUA ng mga COVID-19 vaccines na kasalukuyang ginagamit sa bansa para mabigyan ng pahintulot ang booster shot ng bakuna.


Nauna nang inaprubahan ni Health Secretary Francisco Duque III ang rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) na bigyan ng karagdagang COVID-19 vaccines sa mga healthcare workers at iba pang priority groups.

Facebook Comments