Posibleng magsimula na ang pagbibigay ng COVID-19 booster shots sa mga fully vaccinated na kawani ng gobyerno at iba pang economic frontliners ngayong buwan ng Disyembre.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr, posibleng buksan na rin para sa Government at economic frontliners ang pagtuturok ng booster shots sa gagawing ikalawang national vaccination drive sa Disyembre 15 hanggang 17.
Samantala, umaasa din si Galvez na matatapos ngayong taon ang pagbibigay ng booster shots sa health workers, senior citizens at mga may comorbidities habang kukumpletuhin na rin bago matapos ang taon ang pagbabakuna para sa mga kabataan.
Facebook Comments