Dinipensahan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbibigay ng dalawang kontrata sa poll technology provider na Smartmatic.
Ito ay matapos makamit ng Smartmatic ang P402.7 milyong kontrata para sa magbibigay ng isang software na nakatakdang gamitin sa 2022 Election.
Ang Smartmatic ay isang poll technology provider na ginagamit na ng bansa matapos simulan ang electronic voting technology noong 2010.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, nagsagawa sila ng bidding at ang Smartmatic ang nagwagi dito.
Wala naman silang nakikitang paglabag sa pagkakapanalo ng Smartmatic at tiniyak na agad naman nila itong maaaksyunan kung sakali.
Sa ngayon, tiniyak ng Comelec na maglalabas sila ng desisyon bago ang pagpapasa ng kandidatura sa Oktubre kung sino ang bibigyan ng oportunidad sa congressional seats sa May 2022 polls.