Pagbibigay ng fare at gasoline vouchers sa mga pasahero at drivers, hiniling ng isang kongresista

Iminungkahi ni Appropriations Committee Vice Chair at Misamis Oriental Representative Juliette Uy na bigyan ng ayuda ang transportation sector upang makabawi sa epekto ng COVID-19.

Naniniwala si Uy na makakatulong ang targeted cash aid para makabalik sa sirkulasyon ng transportasyon at galaw ng ekonomiya.

Isinusulong ng Kongresista ang pagbibigay ng ₱2,000 na fare vouchers sa bus at barko para sa mga poor at middle-income earners na tinatayang aabot ng ₱100-billion para sa 50 million commuters sa buong bansa.


Inirekomenda rin nito ang ₱3,500 na gasoline vouchers para sa two million na jeepney at tricycle drivers sa bansa na aabot sa ₱7-billion.

Giit ni Uy, ang ₱107-billion cash aid ay maikukunsiderang economic stimulus dahil ang pondo ay iikot naman sa ekonomiya bilang investment at hindi isang gastos.

Maaari aniyang kunin ang pondo mula sa Bureau of Treasury (BTr) at iba pang remittances collection mula sa mga Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs).

Facebook Comments