Pagbibigay ng financial relief sa mga nakatira sa lugar na nasa ilalim ng state of calamity, lusot na sa ika-2 pagbasa

Manila, Philippines – Pasado na sa ikalawang pagbasa ang panukalang magbibigay ng financial relief sa mga residenteng naninirahan sa lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Inaabangan na lamang ang pagapruba sa House Bill 9082 sa ikatlong pagbasa kung saan pagkakalooban ng grace period na 60 araw ang mga indibidwal mula nang mangyari ang kalamidad na makapagbayad ng utility bills na lampas na sa due date.

Layunin ng panukala na mabigyan ng sapat na panahon ang mga residente para makapagbayad sa maraming obligasyon dahil tuwing may kalamidad ay marami nang pinoproblema ang bawat pamilya mula sa paghahanap ng makakain o matitirhan.


Anim na buwang moratorium sa principal payments ang ibibigay sa isang biktima ng kalamidad mula sa anumang private o public financial institution.

Ibig sabihin, walang sisingilin na extra fees at ang late payments ay hindi dapat mauuwi sa kanselasyon ng loan.

Facebook Comments