Pagbibigay ng gratuity pay sa mga contract of services at job order workers sa mga government employee, may go signal na ni Pangulong Duterte

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng one-time ₱5,000 gratuity pay sa mga Contract of Services (COS) at Job Order (JO) workers sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Pasok din dito ang mga COS at JO worker sa Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs), State Universities and Colleges (SUCs) at local water districts.

Base sa Administrative Order No. 46, kailangan na nasa serbisyo pa rin ang mga ito nitong December 15, 2021 at ginampanan pa ng 4 na buwan ang kanilang tungkulin.


Para naman sa mga wala pang 4 na buwan sa serbisyo, pro-rated ang matatanggap ng mga ito.

Para sa mga naka-tatlong buwan na sa serbisyo, ngunit hindi aabot ng apat na buwan, hindi lalampas sa ₱4000 ang matatanggap ng mga ito.

Para naman sa mga nakadalawang buwan na sa serbisyo, hindi lalampas sa ₱3,000 ang kanilang matatangggap.

Habang ₱2, 000 naman para sa mas mababa sa dalawang buwan ang serbisyo.

Pirmado ng pangulo ang AO, ika-29 ng Disyembre, 2021.

Facebook Comments