Pagbibigay ng Hazard Pay sa mga Social Workers, Inihain sa Konseho

Cauayan City, Isabela- Aprubado na sa unang pagbasa ang inihaing ordinansa na magbibigay ng hazard pay sa mga social workers sa Tabuk City, Kalinga.

Ito ay matapos ihain ni Sangguniang Panlungsod Zorayda Mia Wacnang sa ilalim ng Republic Act 9433 o Magna Carta for Public Social Workers sa kabila ng maitatalaga ang mga ito sa mga delikadong lugar habang patuloy na humaharap ang bansa sa pandemya.

Ayon sa pahayag ni SP Member Wacnang, kanya ring ipinapanukala na maisama ang ilang empleyado ng Office of the City Veterinary Services, City Environment and Natural Resources Office, City Disaster Risk Reducation and Management Office, and the Public Order and Safety Office na siyang mabigyan ng hazard pay sakaling maaprubahan ito sa konseho.


Ayon sa konsehal, may mga tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Tabuk ang humihiling na maisama silang mabigyan ng kaunting ayuda subalit kanya rin naman itong tutugunan na maipanukala sa konseho sakaling mayroong hiwalay na magna carta sa iba pang mga tanggapan.

Inaasahan na sa susunod na pagdinig ay magkakaroon ng deliberasyon kaugnay sa hiling ng iba pang empleyado.

Facebook Comments