Pagbibigay ng Hydroxychloroquine at Chloroquine sa lahat ng ospital sa Estados Unidos, ipinatigil

Ipinatigil na ng Food and Drug Administration (FDA) sa Estados Unidos ang pagbibigay ng Hydroxychloroquine at Chloroquine sa lahat ng ospital nito.

Base sa pag-aaral ng US, lumabas na hindi naman tunay na epektibo ang gamot sa mga pasyente at patuloy silang nakatatanggap ng ulat sa mga indibidwal na namatay sanhi ng cardiac arrest matapos inumin ang naturang gamot.

Dahil dito, napagdesisyunan ng ahensya na tuluyan nang tanggalin ang legal requirements para sa emergency used authorization ng parehong gamot.


Nagpa-alala rin ang FDA sa mga health care providers na huwag isabay sa prescription ng Remdesivir… isa pang COVID-19 experimental drug, ang Hydroxychloroquine at Chloroquine dahil maaari nitong pahinain ang pagiging epektibo ng Remdesivir.

Samantala… sumampa na sa higit walong milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo… higit 3.8 milyon dito ang naka-rekober at 436,319 ang nasawi.

Facebook Comments