Pagbibigay ng insentibo at pabuya sa mga pulis na makakahuli ng maraming kriminal, pag-aaralan ng PNP

Pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) na magbigay ng insentibo at pabuya ang mga pulis na makakahuli ng maraming kriminal.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III, na batid niya ang mga reklamo sa mabagal na pagpapatupad ng arrest warrant ng ilang pulis kahit matagal na itong inilabas ng korte at ang mabagal na pag-responde sa mga sumbong ng publiko.

Ayon kay Torre, sa pamamagitan ng direktiba magigising at makakalampag ang mga pulis sa kanilang tungkulin, para hindi masayang ang malaking sweldong ibinibigay sa kanila.

Nararapat lang din aniya na bigyan ng tamang pagkilala ang mga pulis kung sila naman ay matagumpay na nakasunod sa kanilang trabaho.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Torre na naaayon sa batas ang paramihan ng paghuli sa mga kriminal, at parurusahan ang mga pulis na aabuso sa kanilang kapangyarihan kaya walang dapat ikatakot ang publiko.

Facebook Comments