Pagbibigay ng karagdagang limang libong pisong ayuda sa mga mahihirap na pamilya ngayong pandemya, hindi feasible ayon sa Palasyo

Malabo sa ngayon na mabigyan ng karagdagang limang libong pisong ayuda ang mahihirap na pamilya na lubos na apektado ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, hindi ito feasible sa ngayon dahil sa kakulangan ng resources.

Reaksyon ito ng kalihim sa nasabing suhestyon ni Vice President Leni Robredo para matulungang makabangon ang mahihirap nating kababayan dulot ng pandemya.


Paliwanag ni Roque, hindi sapat ang pera ng pamahalaan pero kung may pondo ay paniguradong nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabiyayaan ang mga mahihirap nating mga kababayan.

Pero kapag naipasa na aniya ang Bayanihan to Recover as One Bill o Bayanihan 2 ay may nakalaan na P200 bilyon na Emergency Subsidy program sa 18 milyong low income families sa loob ng dalawang buwan.

Facebook Comments