May-ari ng sasakyan na nakabundol at nakapatay sa nurse na naka-bisikleta, sumuko na sa MPD

117

Sumuko na sa Manila Police District (MPD) ang may-ari ng pickup truck na nakabundol at nakapatay sa bente tres anyos na lalaking nurse na naka-bisikleta sa Malate, Maynila noong Linggo.

Gayunman, tumanggi ang abogado nito na tukuyin kung sino ang may dala ng sasakyan nang mabundol nito ang biktimang si Renz Jayson Perez ng Barangay 14, Tondo, Manila.

Pero tiniyak nito na makikipagtulungan sila sa imbestigasyon at makikipag-ugnayan sila sa pamilya ng biktima.

Inamin naman ng MPD na hindi pa naitu-turn over sa kanila ang sasakyan na nakabundol sa nurse.

Una nang kinumpirma ng isang testigong rider na nakita niyang gumulong si Perez sa Maria Orosa Street matapos mabundol ng pickup truck.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang driver patungo sa direksyon ng Delpan Bridge.

Facebook Comments