Pagbibigay ng kompensasyon sa mga taga-Marawi na nawalan ng tahanan, isinulong sa Senado

Ngayong October 23 ang ikaapat na taon ng paggunita sa pagtatapos ng Marawi City siege kung saan 1,200 ang nasawi at umabot sa ₱17 billion ang halaga ng mga ari-ariang napinsala at economic opportunities na nawala.

Tinukoy ni Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara na 350,000 katao ang nawalan ng tahanan at karamihan sa mga ito ay hindi pa nakapagtayo muli ng panibagong tirahan.

Binanggit ni Angara, na marami din ang hindi makapag-produce ng proof of ownership para mabigyan ng permit sa pagtayo ng kanilang tahanan.


Dahil dito ay isinulong ni Angara ang Senate Bill 2420 na magkakaloob ng kompensasyon sa mga biktima na ang tahanan at iba pang pag-aari ay nasira ng Marawi City siege.

Kabilang dito ang mga naninirahan o may pag-aaring establisyemento sa 24 barangays na sakop ng Marawi’s most affected areas at sa 8 barangay na sakop naman ng OAA o tinatawag na other affected areas.

Sabi ni Angara, makikinabang din sa nabanggit na batas ang may-ari ng mga establisymento na giniba o naapektuhan ng pagpapatupad ng Marawi Recovery, Rehabilitation and Reconstruction Program.

Itinatakda ng panukala ang pagbuo ng Marawi Compensation Board na siyang mamamahala sa pamamahagi ng koempensasyon.

Facebook Comments