Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) katuwang ang iba pang ahensya na puspusan na ang kanilang ginagawang mga hakbang Para maibigay ang komportableng biyahe para sa mga commuter.
Ito ay matapos lumabas ang mga pahayag ukol sa pagkakaroon umano ng mass transport crisis ng Pilipinas dahil sa kaliwa’t kanang aberya sa lrt-1, lrt-2, at mrt-3.
Ayon kay Transportation Asec. Goddes Libiran, 20 taong huli ang Pilipinas pagdating sa Transport Infrastructure.
Ito aniya ang dahilan kung bakit naghahabol ang Administrasyong Duterte sa transportation infrastructure lalo na sa Sektor ng Aviation, Railways, Road, at Maritime.
Hinikayat din ng DOTr ang publiko na ipamalas ang bayanihan sa halip na magturuan at magsisihan.
Facebook Comments