Manila, Philippines – Iminungkahi ni House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo na pag-aaralan na ng Kongreso kung dapat na bang obligahin ang pamunuan ng MRT3 na magbayad ng kumpensasyon sa mga pasahero nito.
Ang suhestyon na ito ay kasunod ng mga aksidente ng mga pasahero na dumadanas ng panganib at matinding incovenience dahil sa napakadalas na aberya ng MRT3.
Nais ni Castelo na pag-aralan na bigyan ng kumpensasyon ang mga pasahero sa isinusulong na imbestigasyon ng kapulungan sa kapalpakan ng operasyon ng MRT3.
Binigyang diin pa ni Castelo na hindi lamang ang usapin ng sabotahe ang dapat nilang silipin lalo na sa pinakahuling insidente kung saan kumalas ang isang bagon sa tren ng MRT3 kundi maging ang posibilidad na sinadya ito para ipahiya ang Duterte administration.
Hindi aniya pwedeng business as usal na lamang palagi para sa MRT3 pagkatapos ng bawat aberya nito na resulta ng matinding kapabayaan.