
Tinututukan sa bayan ng Umingan ang pagbibigay ng libreng edukasyon para sa mga out-of-school youth (OSY) upang matulungan ang mga kabataang hindi nakapagtuloy o huminto sa kanilang pag-aaral.
Bukas na sa mga benepisyaryo ang programang Project: Tawiran na inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Umingan at ng Provincial Government of Pangasinan sa Barangay Nancalabasaan.
Sa ilalim ng programa, bibigyan ng kaalaman at pagsasanay ang mga out-of-school youth upang maihanda sila sa posibleng trabaho sa pangangasiwa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Bahagi ito ng inisyatiba ng pamahalaan na matulungan at maisama sa mas aktibong partisipasyon sa komunidad ang mga kabataang wala sa paaralan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










