Iniisa-isa na ng City Health Department ang mga barangay sa lungsod ng Pasay para magbigay ng libreng flu vaccine sa mga senior citizens.
Layunin nito na maprotektahan ang mga nakatatanda laban sa sakit na trangkaso at mapanatili ang kanilang maayos na kalusugan.
Prayoridad na mabigyan ng bakuna ang mga senior citizen na walang kakayahang pumunta sa mga pribadong klinika para magpabakuna.
Ang programa ay bahagi ng H.E.L.P Priority Agenda ng alkalde ng lungsod na si Mayor Emi Calixto-Rubiano.
Una rito ay natapos nang mabigyan ng bakuna ang mga senior citizen sa Barangay 91,181 at 184.
Sunod namang pupuntahan bukas, November 23 ng City Health Department ang Barangay 104 at 105.
Sunod ang Barangay 174 at 162 sa November 25 at Barangay 123 at 153 sa November 27.