Pagbibigay ng NTC ng dating broadcast frequencies ng ABS-CBN, nagkaroon ng lack of transparency ayon sa isang mambabatas

Iginiit ng isang kongresista na nagkulang sa transparency ang pagbibigay ng National Telecommunications Commission (NTC) ng dating broadcast frequencies ng ABS-CBN sa Advanced Media Broadcasting System, Inc (AMBS).

Ayon kay House Deputy Speaker Rodante Marcoleta, maaaring isipin pa ng iba na naging isang midnight deal ang pagbibigay ng broadcast frequencies dahil sa kakulangan ng transparency ng NTC.

Paliwanag ni Marcoleta, ginawa kasi ang pagbibigay ng frequencies ilang araw bago ang pagsisimula ng election period kung kaya’t maaaring magamit din aniya ito sa pulitika.


Binigyan ng NTC ng provisional authority ang AMBS para mag-test broadcast sa Channel 2 habang iginawad naman sa ALIW Broadcasting Corp ang Channel 23.

Bukod diyan, ibinigay rin ang Channel 43 sa Swara Sug Media Corp. o Sonshine Media Network International (SMNI) na pagmamay-ari ni Pastor Apollo Quiboloy na siyang spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang si Marcoleta ang isa sa kongresista na bumoto para i-deny ang pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN noong 2020.

Facebook Comments