Pagbibigay ng P1 million cash gift sa mga lolo at lolang higit 101 taong gulang at iba pang benepisyo sa mga senior citizens, lusot na sa Kamara

Malapit nang maisabatas ang panukala na layong bigyan ng cash incentives ang mga centenarians na aabot ng 101 taong gulang.

Ito ay matapos maaprubahan sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 10647 na nag-aamyenda sa “Centenarians Act of 2016”.

Layunin ng panukala na madagdagan ang mga benepisyo para sa “Filipino centenarians” at bigyang-pagkilala ang mga “octogenarian at nonagenarian” sa bansa.


Sa oras na maging ganap na batas, ang mga lolo at lola na tutuntong sa edad na 101 years old ay bibigyan ng pamahalaan ng P1 million cash gift sa kanila mismong kaarawan.

Samantala, ang octogenarians (80 at 85 years old) at nonagenarians (90 at 95 years old) ay mabibigyan naman ng liham ng pagbati mula sa pangulo at cash gift na P25,000.

Mananatili pa rin ang “letter of felicitation” at “centenarian gift” na P100,000 para sa mga lolo at lola na 100-taong gulang.

Kapag naging ganap na batas, ang National Commission of Senior Citizens ang magsisilbing lead agency para isakatuparan ang mga dagdag na benepisyo sa mga centenarians.

Facebook Comments