COMELEC Commissioner Guanzon, maghahain ng impeachment case laban kay Commissioner Ferolino

Nagbanta si Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon na maghahain ng impeachment case laban kay Commissioner Aimee Ferolino kaugnay ng pagkaantala ng paglalabas ng resolusyon sa disqualification case ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ayon kay Guanzon, si Ferolino ang dapat matakot sa kaniya dahil baka maghain siya ng impeachment complaint dahil sa paglabag niya sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Aniya, hindi siya patitinag sa posibleng libel cases o ano pang kaso na maaaring isampa ni Ferolino laban sa kaniya.


Handa rin aniya siyang harapin ang kasong ibabato laban sa kaniya kahit saan mang hukuman sa bansa.

Tiniyak din ni Guanzon na mag-iikot siya sa bansa para depensahan ang kaniyang boto na i-diskwalipika sa halalan si Marcos.

Facebook Comments