Pagbibigay ng pabuya sa makapagbibigay impormasyon tungkol sa cybercriminals at cyberattacks, inirekomenda ng isang senador

Inirekomenda ni Senator Alan Peter Cayetano ang pagbibigay ng pabuya o reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang cybercriminal o kaya ang mga insidente ng cyberattacks.

Sa pagdinig sa Senado, iminungkahi ni Cayetano na maaaring mag-alok ang pamahalaan ng P250,000 hanggang P500,000 na reward sa sinumang magre-report tungkol sa isang hacker.

Maaari aniyang gamitin ang confidential at intelligence fund ng isang ahensya para sa ganitong rewards o sa pagkuha ng serbisyo ng black hackers na pwedeng pagkuhaan ng impormasyon.


Iginiit pa ng senador na dapat magpursige ang law enforcement agencies ng bansa na makapanghuli ng mga hacker para malaman din ng publiko na hindi biro ang krimen na ito.

Ibinahagi rin ng Department of Information and Technology (DICT) sa pagdinig na posibleng mga local hacker ang nasa likod ng sunod-sunod na hacking sa ilang website ng pamahalaan.

Facebook Comments