PAF, makatatanggap ng bagong eroplano mula sa pamahalaan at DND

Malugod na tinanggap ng Philippine Air Force (PAF) ang pag-isyu ng Department of National Defense (DND) ng notice to proceed sa pagkuha ng tatlong bagong C-130J-30 Super Hercules Transport aircraft.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, nagpapasalamat ang PAF sa national government at DND sa pagtuloy ng pagbili ng mga eroplano.

Aniya, malaking tulong ang mga bagong eroplano sa airlift capability ng PAF na pang suporta sa mga operasyon ng militar, kabilang ang relief operations sa panahon ng kalamidad.


Unang inanunsyo ng DND na nakatakdang i-deliver ng American Aerospace company, Lockheed Martin, ang tatlong eroplano sa July 2026, October 2026, at January 2027.

Facebook Comments