Binawi na ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang inihain nitong panukala na House Bill 6732 na layong bigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN.
Sa kanyang privilege speech sa plenaryo, sinabi ni Cayetano na ito ang napagpasyahan matapos ang ginawang konsultasyon sa mga lider ng Kamara.
Dahil dito, tututok na lamang ang Kamara sa pagdinig sa mga panukala kaugnay sa 25 years franchise ng network na inaasahang matatalakay pagkatapos pa ng State of the Nation Address (SONA).
Sa ganitong paraan, magkakaroon ng mas malalimang pagdinig sa prangkisa ng giant network.
Sa ngayon, mas abala ang Kamara sa pagtutok at pag-apruba sa mga panukala na may kinalaman sa COVID-19 response.
Facebook Comments