Pinag-aaralan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na bumuo ng “salary subsidy.”
Sa Ilalim ng panukala, sasagutin ng pamahalaan ang porsiyento ng sahod ng empleyado bilang pagsaklolo sa employers at para hindi sila magtanggal ng trabahador.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mangangailangan ito ng 40 billion pesos na pondo.
Tingin ni Bello, epektibong paraan ito para hindi mawala ang mga trabaho kaya target nilang maibigay ang pormal na panukala kay Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang buwan ng Mayo.
Aminado ang kalihim na kahit maluwag ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at General Community Quarantine (GCQ) ay hindi pa rin ito sapat para makabangon ang mga negosyo.
Kung lalala at tatagal pa ang problema sa COVID-19, ay maaring umabot ng hanggang 10 milyong Pilipino ang mawawalang ng trabaho.