Pagbibigay ng subsidy sa mga mag-aaral na apektado ng pandemya, tiniyak ng DepEd

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na sinisikap nilang mapabilis ang pamamahagi ng subsidies sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) sa mga estudyanteng nasa basic education sector.

Ayon kay Education Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, mayroong ilang isyu at proseso na kailangang maresolba bago maipamahagi ang subsidies sa mga kwalipikadong estudyante.

Natatagalan aniya ang DepEd sa pagsasapinal ng mga application process para sa subsidy dahil malawak ang kanilang sakop kabilang ang mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 12 sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa buong bansa.


Magkakaroon ng ₱5,000 subsidy para sa mga estudyanteng hindi pa nakabayad ng kanilang tuition fee sa pribadong eskwelahan habang ₱3,000 para sa public school students na nangangailangan.

Sa ngayon, patuloy ang pagpoproseso ng application.

Facebook Comments