Iginiit ni Vice President Leni Robredo ang kahalagahan ng paghahatid ng tamang mensahe lalo na sa panahon ng krisis at kalamidad.
Ito ang reaksyon ng bise presidente matapos magpalitan ng ‘sex jokes’ sina Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang dumalo sa televised briefing sa government response sa Camarines Sur.
Ayon kay Robredo, napaka-crucial para sa mga tao lalo na sa pamahalaan na magkaroon ng maayos na komunikasyon at maibigay ang tamang mensahe sa oras na tumama sa bansa ang bagyo at ang nagpapatuloy na pandemya.
Nagbabala si Robredo na maaaring maghatid ito ng maling mensahe lalo na sa mga dumaranas ng epekto ng mga nagdaang kalamidad.
Facebook Comments