Pagbibigay ng third dose ng COVID-19 vaccines sa healthcare workers, inaasahang magsisimula na sa susunod na buwan

Inihayag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na naghahanda na sila sa pagsisimula ng pagbibigay ng third dose ng COVID-19 vaccines sa healthcare workers at mga nasa itinuturing na vulnerable sector.

Sa ‘Talk to the People’ ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, sinabi ni Galvez na posibleng simulan na ito sa Nobyembre o Disyembre.

Sa kasalukuyan, hinihintay pa ng Department of Health (DOH) ang opisyal na rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) para magbigay ng ikatlong dose sa senior citizens, mga mahihina ang immune system at healthcare workers.


Una na ring sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na inaasahang ilalabas ng WHO ang rekomendasyon sa susunod na buwan.

Facebook Comments