Mas malawak na kooperasyon ng Philippine Army at Vietnamese Army, palalawakin pa

88

Interesado ang Philippine Army na palawakin pa ang kanilang kooperasyon sa pagitan ng Vietnam People’s Army (VPA).

Ito ang napag-usapan sa introductory call kay Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Andres C. Centino ng Vietnamese Defense Attaché to the Philippines, Senior Col. Nguyen Van Son.

Sa pagpupulong, natalakay ng dalawang opisyal ang pagsasagawa ng army-to-army engagements bilang bahagi ng International Defense and Security Engagements (IDSE) program ng Philippine Army.


Pinag-usapan rin ang posibleng kooperasyon ng Philippine Army at VPA sa pagpapalakas ng reserve force at humanitarian and disaster response.

Ayon kay Lt. General Centino, committed ang Philippine Army na isulong ang kooperasyon sa technology transfer at information exchanges sa VPA.

Sa ngayon, may kasalukuyang IDSE program ang Philippine Army sa 20 mga bansa.



Facebook Comments