Pagbibigay ng third dose o booster shot, hindi pa napapanahong pag-usapan – DOH

Hindi pa ikinokonsidera ng Department of Health (DOH) ang mungkahing magkaroon ng third dose ng bakuna o booster shot.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, manipis pa ang datos ukol sa booster dose.

Sa ngayon, ang puntirya aniya ng DOH ay makumpleto muna ang dalawang dose ng bakuna para mapataas ang proteksyon ng publiko laban sa COVID-19.


Samantala, as of June 22, umakyat na sa 8,591,406 doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa mga Pilipino sa buong bansa.

Sa kabuuang bilang, 6,470, 917 ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna habang 2,183,000 na ang fully-vaccinated.

Facebook Comments