PAGBIBIGAY NG TIP SA MGA PAMPUBLIKONG SASAKYAN, HINDI IPINAGBABAWAL

Baguio, Philippines – Sa isinumiteng ordinansa ng City Council ng lungsod noong Lunes, inaprubahan sa first reading ang paglalagay ng mga utility vehicles (PUVs) ng “Tip Boxes” sa kani-kanilang mga sasakyan para boluntaryong makatulong ang mga pasahero sa mga driver na sobrang naapektuhan ang kanilang kita dahil higit dalawang buwang Community Quarantine.Kahit may ibibinibigay na P300 na sabsidiya ang mga city managers para sa dagdag tulong ng Gobyerno sa mga papasadang drivers na may special permit sa syudad.Hindi makokontrol ang kabaitan ng isang tao para tumulong lalong lalo na kung ang hangarin naman nito ay “to heal as one”, wika ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.Ayon naman sa Memorandum Circular No. 2020-017  Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) , Ang mga pumapasadang mga pampublikong sasakyan ay nasa 50% capacity jeepneys lamang ang mga papayagang bumyahe na mga PUV at dapat ay sumusunod ang mga ito sa ilang mga safety protocols pero regular pa din ang mga pamasaheng babayaran ng mga pasahero.Nagpapalala din ang ahensya na kailangang kumuha ng special permits ang mga babyahen mga PUV at mga jeepney at dapat boluntaryo lang ang pag-abot ng mga pasahero ng tip at hindi sapilitan o ipapatong sa regular na pasahe.

Facebook Comments