Jinkee Pacquiao, nakatikim ng pamba-bash mula sa mga netizen

Binatikos ng ilang netizen ang asawa ng Pambansang Kamao na si Jinkee Pacquiao.

Kasunod na rin ito ng ginawa ni Jinkee na pa-promo sa kanyang mga subscribers at followers sa kanyang Youtube channel.

Mamimigay kasi si Jinkee ng cash prizes na nagkakahalaga ng ₱100,000 sa kanyang mga fans, basta lang daw ay i-like at i-subscribe ang kanyang channel.


Puna ng mga bashers, mas marami pang matutulungang tao kung dino-donate na lang daw niya ang pera sa mga displaced workers o kaya sa charity na nangangailangan ng tulong sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Tinawag pang insensitive si Jinkee dahil sa pagpo-post ng mga magagarang kasuotan o magarbong lifestyle sa panahon ng krisis.

Sa kabila nito, dedma lang naman ang asawa ni Senator Manny Pacquiao rito.

Facebook Comments