Pagbibigay ng travel authority sa mga LSI pauwi ng Lanao Del Sur, Basilan at Camiguin inihinto muna

Suspendido muna sa loob ng labing limang araw ang pagbibigay ng travel authority sa mga Locally Stranded Individual (LSI) na nasa Metro Manila at pauwi ng Lanao del sur, Basilan at Camiguin.

Ayon kay Joint Task force COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ginawa nila ito batay na rin sa desisyon ni National Task force against COVID- 19 Chairman at Defense secretary Delfin Lorenza.

Ipinaliwanag ni Eleazar na epektibo ang suspensyon simula July 1 hanggang sa July 15, 2020.


Una nang inaprubahan ni Sec. Lorenzana ang hiling nina Basilan Governor Hataman Jim Salliman, Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr., at Camiguin Governor Jurdin Jesus Romualdo na huwag munang payagang makauwi ang mga LSI sa mga nabanggit na lalawigan.

Ito ay dahil puno o naabot na ang maximum capacity ng kanilang quarantine facilities.

Maliban sa nabanggit na tatlong probinsya, nananatili namang suspendido ang pagbibigay ng travel authority sa mga LSI na papauwi ng Eastern at Western visayas region.

Facebook Comments