Pagbibigay ng Travel Pass at iba pang Sertipikasyon, Mas hinigpitan sa Quirino Province

Cauayan City, Isabela- Mas hinigpitan ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino ang pag-iisyu ng ilang dokumento sa mga residente upang makontrol ang paglabas ng mga tao kani-kanilang bayan sa lalawigan.

Ito ang nilagdaan ni Governor Dakila Carlo Cua sa ilalim ng executive order no. 28.

Nakasaad sa kautusan ang limitadong pagbibigay ng travel pass sa mga residente palabas ng probinsya.


Sa bayan ng Cabarroguis, kinakailangang mag-isyu ang alkalde ng 350 na travel pass tuwing lunes; bayan ng Aglipay na may 250 travel pass tuwing Martes; bayan ng Diffun na 300 travel pass tuwing miyerkules at biyernes; bayan ng Maddela na may 300 travel pass tuwing huwebes at sabado; bayan ng Nagtipunan na 200 travel pass at sa bayan ng Saguday na 225 travel pass tuwing miyerkules.

Kinakailangan din na kumuha ng working permit sa tanggapan ng alkalde ang mga nagtatrabaho sa labas ng probinsya na tatagal ng 14-days validity subalit bago makakuha nito ay kailangang ipresenta ang medical certificate at proof of employment.

Samantala, kailangan din na sumailalim sa mga pagsusuri para sa mga Locally Stranded Individual at Returning OFWs para masigurong ligtas ang lahat sab anta ng nakamamatay na virus.

Sa ngayon ay zero case na ang lalawigan makaraang makarekober ang mga mga nagpositibo sa naturang sakit.

Facebook Comments