Pagbibigay ng tulong sa mga benepisyaryo, pabibilisin ng DSWD

Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gawing ‘instant’ ang paglalabas ng cash assistance para sa mga benepisyaryo nito.

Sa isang panayam, inamin ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na dismayado siya na kinakailangang magpapabalik-balik ng mga tao sa mga opisina ng gobyerno bago makakuha ng tulong dahil sa napakaraming hinihinging requirements.

Dahil dito, nais niya na bawasan ang requirements para maka-avail ng tulong mula sa DSWD.


Samantala, ngayong araw ay sinimulan na ng DSWD ang distribusyon ng ₱500 cash aid para sa kabuuang 12.4 milyong pinakamahihirap na pamilyang Pilipino.

Target naman ng ahensya na matapos ang pamamahagi ng cash aid sa unang 1.2 milyong benepisyaryo sa loob ng isang linggo.

Facebook Comments