Mga empleyado ng DOH, nag-aabang na sa itatalagang bagong DOH secretary

66

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nagpapatuloy ang kanilang pagseserbisyo sa publiko at paglaban sa COVID-19 bagama’t wala pang nahihirang na bagong DOH secretary.

Kanina ay nagdaos ang DOH ng kauna-unahang flag raising ceremony sa ilalim ng Marcos administration na pinangunahan ni Undersecretary Lilibeth David.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Usec. David na nag-aabang na sila sa hihiranging bagong health secretary.


Tiniyak din ng DOH na nagpapatuloy ang kanilang pagtugon sa pandemya sa ilalim ng pangangasiwa ng senior career officials ng departamento.

Facebook Comments